Upcoming Events
| No events |
Events Calendar
Login Form
Who's Online
We have 3 guests online
Message Board
efraim ate isay add me up ^^. facebook MAPUSOC_19@yahoo.com hehehe gud day to all
[6/24 6:10]
[6/24 6:10]
Angelo Dolormente txt me 0919934115/09267291077
[6/8 17:05]
[6/8 17:05]
KRISHMIR CORTEZ hello...kumusta sa lahat ng nakaonline..add nu ako sa facebook...xmer2k3@yahoo.com
[6/8 8:09]
[6/8 8:09]
eleanor salvador khaye, bakit wala ka nung sunday? ganun ba talaag pag nagcelebrate ng birthday?
[4/17 14:27]
[4/17 14:27]
Karen Yango hello everyone!im back..hehe..kmusta po ang lahat??
[4/14 11:51]
[4/14 11:51]
eleanor salvador see you all sa board meeting!!
[4/6 10:43]
[4/6 10:43]
eleanor salvador by the way its khaye`s birthday today... greet natin cya!!!
[3/28 22:26]
[3/28 22:26]
eleanor salvador guys, finally the divine horizon is about to be completed. thank you sa mga contributors! doing simple things inspite of hardships and sacrifices in exchange of other people`s "smile" made our part whole.. For I too, was inspired by countless lives and strengthened by life`s endeavors..
[3/28 22:25]
[3/28 22:25]
aireen guarin hello sa lahat...mga friendship..busy na ba kayo ngayon sa facebook..
[3/25 18:09]
[3/25 18:09]
Irene Brillo ..elow guys.. what`s the plan this anniversary po?
[2/15 7:52]
[2/15 7:52]
Sorry, only registered users can post shouts.
Visitors Map
KKEP Faces
| Pinili upang Gawin ang Kanyang Kautusan |
|
|
|
|
KKEP National Board Meeting August 09, 2009 Spiritual Session Medium: Divine Hipolito Centro Balen Maligaya Tarlac South Provincial Committee, Region 7 Pag-ibig na nagmumula sa Ama ang sa inyo’y ipinagkakaloob upang ang bawat isa sa inyo ay maghari ang pag-ibig at ang pagkaka-isa ang manatili sa inyo upang ang Amang nasa langit ay magkaloob sa inyo ng higit pang biyaya na pinagnanasaan na makamtan ng bawat isa sa inyo. Ang mga kabihasnan na walang patid na sa inyo’y ipinagkakaloob, gayun din sa kaorasan na ito siya rin ang sa inyo’y dinadala ko upang ito’y magpatibay sa inyo hanggang sa katapusan, kawakasan. Maraming salamat, sa Ama na lumikha sa lahat ng bagay dito sa mundo, maging sa inyo na ngayo’y nagtipon-tipon sa pangalan ng tungkulin ng bawat isa sa inyo, kayo ngayo’y naririto upang magbigay puri, magpugay sa Panginoon na sa inyo’y umiibig at walang sawang nagkakaloob ng biyaya. Ang bawat isa sa inyo na ngayo’y nandirito sa pamamagitan ng tungkulin kayo’y nagkaisa’t nagkabuklod upang iyan ay mapagtibay at higit magawa ninyo ang Kanyang mga kautusan. Mapalad kayo, kayong mga umiibig sa Diyos sapagkat kayo’y iniibig din niya. Alam ko na ang iba sa inyo ay mga bata pa sa tungkulin, ngunit sa mata ng Diyos, kayo’y pinili Niya upang gawin ang Kaniyang mga kautusan nang may katapatan, malinis na puso, at kabihasnan. Ang mga bagay na iyan aking mga iniibig na anak ng Diyos, kayo sana’y magtibay hanggang sa kawakasan upang ang mga tungkulin at mga gawain na nais Niyang ipagawa sa inyo ay inyong matapos at doon tatanggapin n’yo ang luwalhati ng Diyos. Kayo ngayo’y naririto sapagkat nais ninyo ang kayo’y patnubayan at hindi maligaw ng landas, ang manatili kayong sumusunod sa likuran ng Maestro. Iyan ay ikinatutuwa ng Panginoon sapagkat ang nais Niya, kautusan Niya sa inyo Kaniyang mga anak, ang gawin ninyo ang inyong mga tungkulin ng buong katapatan, may pagkakaisa, may pag-ibig sa inyong mga puso. Sapagkat ang Diyos ay pag-ibig sa inyong lahat. Kayo sana, na ngayo’y pinili Niya upang pamahalaan ang Kaniyang Iglesia. Nawa’y kayong lahat, maipakita ninyo tulad ng katuruan at aral sa inyo ang maging modelo kayo na titingnan ng kapwa ninyo kabataan o maging ng mga katandaan man. Sapagkat ang Diyos ay Kaniyang nililinis, tinitingnan ang mga gawain na naaayon sa Kaniyang kagustuhan. At sa sandaling ito aking ikatutuwa na inyong mabasa sa aklat ng Roma 10:2. Ito sa inyo’y ipinagkakaloob ko. **Pagbasa -- Roma 10:2 Salamat. Narinig ninyo ang aral ng banal na libro, na kung ang bawat isa sa inyo ay nagmamalasakit, sana ito ay naaayon sa pagpapakilala ng Diyos. Sapagkat ang sinuman na lumalabag sa kagustuhan at kautusan ng Diyos, kalian man aking mga minamahal, ang kaligtasan na inyong ninanasa ay hindi ninyo makakamtan. Sapagkat ang puno ng kahoy ay naghihintay sa inyo sa kaharian ng Diyos upang doon ay inyong manahin sa pagtatapos ng inyong panahon. Kaya aking mga minamahal na ngayo’y nandirito habang ang kalakasan ay nasa sa inyo pa, habang ang araw ay nasa kasikatan pa, kayo nawa ay magsipagtrabaho upang sa pagwawakas ng panahon, doon makita nyo at makilala ninyo ang isang asawang lalaki na sa inyo’y naghihintay upang kaniyang ikasal. Ang mga bagay na iyan ay ipinagkaloob ko sapagkat ang nais ninyo ay ang tinapay ng buhay na inyong makain sa kaorasan na ito. Gayon din ang tubig ng buhay upang makatighaw naman sa inyong uhaw. Sana kayo lahat ay tumanggap ng biyaya at sa kahuli-hulihan, ito nawa ay inyong mabigyang buhay upang sa harapan ng Diyos kayo rin ay maging buhay sa mga gawain, sa mga kautusan na sa inyo ay Kaniyang ipinagagawa. Mga minamahal ko, ngayon kayo’y nagpakapagod, hindi ninyo tiningnan ang layo ng nilakbay nyo upang sa Panginoon, kayo’y magpuri at magpugay, at mapalad kayo, kayong lahat na ngayon ay sumasamba sa pagiging espiritu Niya at katotohanan. Nawa hanggang sa kawakasan manatili kayo sa Kaniyang kagustuhan upang ang biyaya ay inyong makamtan magpasawalang hanggan. Iyan ang sa inyo’y ipinagkaloob ko, sapagkat iyan ang ihinabilin ng Ama upang sa inyo ay iparating ko. Nawa sa mga puso ng bawat isa sa inyo, iyan ay maukit, maisulat sa mga kaisipan ninyo at kalian man ay hindi na mabura at mabigyan ninyo ng buhay upang ang Diyos ay matuwa at magkaloob sa inyong lahat. Maraming salamat mga anak ng Diyos na ngayo’y nandirito upang maging kaisa Niya sa banal na tungkulin na inyong ginawa at ginagawa magpasawalang hanggan. Iyan ang sa inyo’y ipinagkaloob ko at ang oras ko ay dumating na upang sa inyo ay magpaalam. Ngunit sa kahuli-hulihan sa inyo’y magkakaloob pa ako sa Kawikaan 3, ito sa inyo mula sa Diyos ay ipinagkakaloob Niya. Nawa ang bawat isa sa inyo ay pag-aralan, suriin at ito’y talastasin upang kayong lahat ay hindi maligaw at manatili sa daan na isinadya ng Diyos sa inyo. Maraming salamat, at ako ngayon ang banal na bendisyon na nagmula sa Amang nasa langit ang siyang palagi na sa inyo’y ipinagkakaloob Niya. Maging ang Kaniyang patnubay at pag-ibig na walang hanggan, manatili sana iyo sa inyo. Mag-ibigan kayo sa isa’t isa sapagkat ang Diyos ay pag-ibig. Ang sa inyo’y nagkaloob, Divina Pastora. |
 
 
 
 
 


