|
KKEP National Convention for Mediums Magbabalik |
|
|
|
|
Sa ikatlong pagkakataon, muling gaganapin ang KKEP National Convention for Mediums (NatCon3) na may temang "Strengthening the Gift of Spirit Communications Through Charity Works" sa darating na 23-25 Oktubre 2009 sa Regional Center ng UECFI Region 4 (katabi ng Centro La Fraternidad), San Aurelio 1st, Balungao, Pangasinan. Ang nasabing convention ay naglalayong mapalawig ang kaalaman ng mga Kabataang Medium tungkol sa kasaysayan ng Mediumnidad at ang kahalagahan ng panalangin at kawanggawa sa pagtupad ng banal na tungkulin; at mapaunlad ang kagandahang asal dapat taglayin ng isang mabuting manggagawa ng Panginoon. Dahil dito, malugod na inaanyayahan ang lahat ng Kabataang Medium mula Rehiyon 1 hanggang 20 upang makiisa sa gaganaping NatCon3. Sinu-sino ang maaaring maging delegado ng NatCon3? Ang mga (1) KKEP na tumutupad na bilang isang talaytayan o medium; (2) KKEP kasalukuyang nagpa-praktis ng pagkatalaytayan o mediumnidad; (4) KKEP na magsisimula pa lamang sa pagpapraktis ng mediumnidad; at, (4) KKEP Director of Medium (kung meron). Ang mga delegado ng NatCon1 (2007)at NatCon2 (2008) ay malugod ding tinatawagan ng ang kanilang pansin upang muling makiisa sa darating na convention. Ipagpaumanhin ng mga KKKEP Officers at Members kung hindi sila mapapahintulutang maging delegado ng NatCon3 sa kabila ng kanilang interest sa paksang tatalakayin. Iminumungkahi ng pamunuan ng KKEP National Board na ang mga KKEP Officers at Members na nais dumalo sa seminar ukol sa Mediumship, na magparticipate na lamang sa mga susunod na Summer Institute/Schooling. Magkakaroon ng registration fee sa halagang Php300.00 bawat delagado. Ang mga partisipante ay pinapayuhang magdala ng mga sumusunod: first aid kit, flash lights, personal things, sleeping mat, etc. Kinakailangan ding magsumite ng accomplished Registration form ang isang delegado. Para sa iba pang detalye ng programa, iclick lamang ito.O kaya'y magtanong kina: Hmno. Jayson Ryan Remorin, CP#09285520038; at Hmna. Maria Cristina Tolentino, CP# 09082687097.
|
|
Last Updated ( Wednesday, 09 September 2009 08:38 )
|